Humiling na ang Department of Transportation (DOTr) sa Department of Budget and Management (DBM) ng ₱2.45 bilyong pondo para ibigay na ayuda sa mga driver ng mga pampublikong sasakayan sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), tinatayang 377,443 na benepisaryo ang makikinabang sa fuel subsidy.
Isasama na rin anila sa fuel subsidy ang Public Utility Bus (PUB), Minibus, Taxi, UV Express, Transport Network Vehicle Service (TNVS), Tourist Transport Service (TTS), maging ang mga tricycle at delivery services.
Paliwanag ng LTFRB, oras na mailabas ang pondo, ibibigay ang nakalaang pera sa programa sa Land Bank of the Philippines para mapabilis ang pagbibigay ng subsidiya sa mga benepisaryo.