Pharmally Director Linconn Ong, pinayagang nang makadalaw sa kaniyang anak

Pinayagan na ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon si Pharmally Pharmaceutical Corporation Director Linconn Ong na mabisita nito ang kaniyang anak na nasa kritikal na kondisyon dahil sa dengue.

Kasunod ito ng hiling ng asawa ni Ong na si Summer na palayain na ang kaniyang mister na nasa Pasay City Jail.

Ayon kay Gordon, pinapayagan niya si Ong na mabisita ang kaniyang anak sa ospital sa limitadong oras at sa petsang itatakda ng komite.


Aniya, dapat ding mayroong kasamang taga Senate Sergeant-at-Arms at Pasay City Jail si Ong sa kanyang pagbisita sa ospital.

Nilinaw naman ni Gordon na hindi pa nila mapapalaya si Ong dahil kailangang manindigan ng mga senador, protektahan at depensahan hindi lamang ang kanilang kapangyarihan na mag-imbestiga kundi dapat din silang tuminding laban sa mga nagtatangkang hamakin ang legislative process ng Senado.

Facebook Comments