DOTr, humingi ng paumanhin sa aberya sa pagsisimula ng construction ng MRT-7 station sa Batasan Hills

Manila, Philippines – Asahan na lalo pang sisikip ang daloy ng trapiko sa Commonwealth avenue Lungsod ng Quezon.

Ito’y dahil sa sisimulan na construction ng MRT-7 station sa Batasan Hills.

Isa lamang ito sa labing-apat na istasyon ng MRT-7 mula Quezon City hanggang Bulacan.


Kasabay nito’y, humuhingi ng paumanhin ang pamunuan ng Department of Transportation o (DOT’r) sa mga maapektuhan motorista.

Target ng DOT’r na matatapos ang proyekto sa first quarter ng taong 2020.

Pinangunahan mismo ni DOT’r Assistant Secretary Lea Quiambao at MMDA Chairman Danilo Lim ang seremonya sa pagbubuhos ng pundasyon ng Batasan Hills sa Quezon City.

Facebook Comments