Trust rating ni Pangulong Duterte, tiyak na makakabawi – Senator Lacson

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ni Senator Panfilo Ping Lacson ang pagbaba ng trust at satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.

Reaksyon ito ni Lacson, makaraang bumaba sa +48 ang dating +66 na trust at satisfaction rating ng pangulo.

Sa kabila nito, tiwala si Lacson na kayang kaya ni Pangulong Duterte na bumawi at ibalik ang tiwala at suporta na kaniyang nakuha sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan.


Giiit ni Lacson, si Duterte kasi ay ang uri ng presidente na sa loob ng mahabang panahon ay hinahanap ng ating bansa.

Paliwanag pa ni Lacson, karaniwan nang mataas ang excitement at paghanga kapag bagong upo ang pangulo pero bumababa ito kapag nakita na ang uri ng pamumuno nito.

Palagi din aniyang problema ng mga lider ng bansa ang pagpapanatili ng kanilang popularidad.

Facebook Comments