DOTr, ilulunsad na ang contact tracing app para sa mga paliparan sa bansa

Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na ilulunsad na bukas ang isang mobile application para mapadali ang contact tracing process para sa COVID-19.

Ayon kay Tugade, ito ay unang ilulunsad sa apat na mga paliparan sa bansa tulad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Mactan-Cebu International Airport (MCIA), Clark International Airport, at Davao International Airport.

Aniya, ang naturang mobile tracing app ay tiinawag na “Traze App” na isang unified QR code-based app na gagamitin bilang contact tracing ng aviation at airport sector ng DOTr.


Sinabi pa ni Tugade na sa papamagitan nitong Traze app ay mas mapapabilis ang pag-trace sa mga tao kung sakaling may paseherong nagpositibo sa COVID-19.

Tiniyak naman niya na isusunod naman ang ilang mga paliparan sa bansa kung matapos at maging matagumpay ang pilot testing nito.

Una itong ipinatupad sa mga malalaking pantalan ng bansa sa pamumuno ng Philippine Ports Authority.

Facebook Comments