DOTr, ipinag-utos na higpitan ang security at safety measures sa mga pasilidad ng transportasyon sa bansa kasunod ng pagsabog sa Jolo

Ipinagutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa lahat ng transportation officials ng bansa na triplehen ang security at safety measures sa kani-kanilang areas of responsibility upang matiyak ang seguridad ng transportation facilities, personnel at riding public ng bansa.

Ito ay kasunod ng nangyari pagsabog noong Lunes sa Jolo, Sulu na kagagawan umano ng Abu Sayyaf Group.

Dahil dito, ipatutupad ang Security Condition Level 2 sa lahat ng airports at Security Level 1 with enhanced security sa lahat ng pantalan at land mass transportation facilities sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.


Ipinag-utos din niya na higpitan ang security screening sa mga tao, bagahe at sasakyan.

Magpapakalat din aniya ng mga mas maraming security personnel at K-9 upang mapigilan ang pagpasok ng mga terorista sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments