DOTr, mas paiigtingin ang security features ng mga driver’s license

Manila, Philippines – Papaigtingin naman ng Department of Transportation (DOTr) ang security features ng mga driver’s license.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang palawigin ng limang taon ang validity ng nasabing lisensya.
Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante – hihigpitan din ang regulasyon sa pagkuha ng lisensya.
Dahil titiyakin aniya nila na ang mga drivers lamang na may sapat na kaalaman sa road safety at proper road courtesy ang makakakuha nito.
Sisimulan sa Metro Manila ang pagbibigay ng mga bagong license card at isusunod ang mga kalapit na probinsya na ilalabas sa susunod na buwan.

Facebook Comments