Dipolog City Jail, naglunsad ng bagong programa para sa mga inmate

Dipolog, Philippines – “Selda Pangalawang Tahanan ng mga Bilanggo”, ito ang bagong programa na inilunsad ng Dipolog City Jail sa pangunguna ni Jail Senior Inspector Banjamin P. Cepeda.

Ang nasabing programa ay isang inter-dormitory cleanest and beautification contest kung saan ang lahat ng dormitory o selda sa loob ng Dipolog City Jail ay sumuporta ditto.

Ayon kay Cepeda, ito’y dinisenyo para ma-reorganized, mabago at maabot ang malinis na selda ng mga bilanggo.


Ang criteria sa nasabing pa-contest ay ang sumusunod: orderliness-25%, cleanliness-25%, proper grooming-25% at overall appearance-25%.

Umani naman ng positibong reaksyon ang nasabing programa mula sa mga nakasaksi at mismong sa mga bilanggo.

Facebook Comments