DOTr, may pagkukunan na ng pondo para sa EDSA Busway-inspired na itatayo sa Davao City

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na may pondo na para sa pagpapatupad ng Davao Public Transport Modernization Program sa Davao City.

Ayon sa DOTr, ang naturang 672-kilometer na proyekto ay popondohan ng Asian Development Bank (ADB).

Ito ay nagkakahalaga ng P73.4 billion kung saan kasama sa proyekto ang EDSA Busway-inspired.


Target ng DOTr ang partial operation ng Davao Public Transport Modernization Program sa fourth quarter ng 2025.

Habang ang full operation ay sa taong 2026.

Facebook Comments