DOTr, minamadali na ang privatization sa NAIA

Minamadali na ng Department of Transportation (DOTr) ang privatization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa pagdinig ng Senado tungkol sa naging system glitch sa paliparan boong January 1, sinabi ni Bautista na nasa lebel na sila ng pagkumpleto ng terms of references ng kontrata.

Iginiit ng kalihim sa pagdinig na napapanahon na para i-modernize at palawakin ang NAIA bilang isang primary gateway ng Pilipinas.


Sa ngayon ay nasa yugto na ang pamahalaan na kinakausap ang Asian Development Bank at ang Public Private Partnership Center para sa pagsasapinal ng kasunduan na mamadaliin na at inaasahang matatapos sa unang quarter ng taon.

Pinaliwanag ng kalihim na sa ngayon ay nasa 40 hanggang 44 aircrafts kada oras lang ang kayang i-accommodate ng NAIA.

Pero kapag natuloy ang privatization ay maaaring maitaas ang aircraft capacity ng NAIA sa 50 hanggang 55 aircraft.

Facebook Comments