DOTr, nagbabala na ipapatigil ang paggamit ng beep card kung mananatili ang bayad nito

Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang AF Payments, Inc. O AFPI na kakanselahin nila ang paggamit ng beep card sa EDSA Busway kung hindi gagawing libre sa mga pasahero ang paggamit ng naturang card.

Ito ay matapos ulanin ng reklamo ang pagpapatupad ng “no beep card, no ride” policy sa mga bus na bumabiyahe sa kahabaan ng EDSA Busway bilang karagdagang safety measures sa gitna ng banta ng COVID-19.

Inireklamo rin ang pagbabayad ng P180.00 para sa mga first-time na bibili ng beep card na kung saan ay P80.00 ay para sa card habang P100.00 naman ay para sa load.


Una nang inihayag ng AFPI na wala silang kikitain kung tatanggalin nila ang P80.00 charge sa pagbili ng beep card ngayong panahon ng pandemya.

Samantala, maglalabas naman susunod na linngo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Memorandum Circular na mag-aatas sa mga Public Utility Vehicle (PUV) na huwag ipasa sa mga commuter ang presyo ng Automated Fare Collection System (AFCS).

Facebook Comments