Aminado ang Department of Transportation (DOTr) na naghahanap pa ito ng pondo para sa pagpapatuloy ng Mindanao Railway Project (MRP) sa Davao City, Digos at Tagum.
Ito ay matapos na kanselahin ng pamahalaan ang financial commitment sa China.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa finance department para sa alternatibong pagkukunan ng pondo tulad ng Official Development Assistance (ODA) mula sa foreign governments at international financial institutions.
Nagkakahalaga ng P81.6 billion ang Mindanao Railway Project Phase 1 at ito ay may habang 100.2 kilometers na binubuo ng walong stations.
Sa sandaling maging operational ang naturang rail line, mabibiyayaan nito ang 122,000 pasahero kada araw at magiging isang oras na lamang ang biyahe mula Tagum City patungong Digos City mula sa tatlong oras.