Isang lider ng Kamara, umapela sa Senado na itigil na ang pag-atake kay Speaker Romualdez

Nananawagan si House Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., sa Senado na kung pwede ay tigilan na ang paninira kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Diin ni Gonzales, ayaw na nilang lumalim ang gusot sa pagitan ng Kamara at Senado.

Apela ni Gonzales, ihinto na ang paninira lalo na kung gamit ay mga salitang hindi dapat gayahin ng mga susunod na henerasyon o ng mga kabataan.


Sabi ni Gonzales, makabubuting magtrabaho na lang silang lahat ng maayos sa harap ng nakaparaming problema ng bansa.

Magugunitang nagsimula ang gusot sa pagitan ng Kamara sa usapin ng People’s Initiative para sa layuning maamyendahan ang economic provisions sa konstitusyon.

Facebook Comments