DOTr, naglabas na ng panuntunan sa GCQ para sa maritime transport

Inilatag na ng Department of Transportation o DOTr ang mga panuntunan nito na susundin ng mga maritime transport sector doon sa mga lugar kung saan ipinatutupad ang General Community Quarantine o GCQ.

Ayun kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang mga pasaherong papasok ng mga port terminal ay nag-fill out ng health protocol form at kailangan i-check ang kanilang body temperature bago pumasok at lumabas ng barko.

Aniya, gawin ding routinary ang pagsasagawa ng disinfection sa mga barko, pantalan, terminals, pasilidad at iba pang mga equipment upang mabawasan ang posibilidad ng pagkalat ng virus.


Mahigpit din aniya na ipatutupad ang pagsusuot ng personal protective equipment o PPEs ng mga nagtatrabaho sa mga pantala, port terminal at mga barko.

Maliban dito, nauna na aniya ipinatutupad ng DOTr ang social distancing, pagsuot ng face mask at proper hygiene, gaya ng paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol sa lahat ng transportation sector ng bansa.

Facebook Comments