Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation o DOTr na nag bigay sila ng sampung bilyong piso na tubo sa pambansang National Treasury.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang nasabing halaga ay pinagsama-samang tubo mula sa kinita ng Philippine Ports Authority (PPA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at Manila International Airport Authority (MIAA).
Sinabi nya na ang total dividends o tubo na sampung bilyong piso ay galing sa kita noong 2019.
Bago nito, ang PPA ay una ng nagbigay ng mahigit apat na bilyong piso at tig-tatlong bilyong piso naman sa CAAP at MIAA.
Pahayag ni Tugade, ang nasabing pera ay makakatulong upang gamitin bilang pondo para sa paglaban kontra Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 at sa iba pang mahahalagang proyekto ng gobeyrno.