DOTr, nangakong makikipagtulungan sa NBI kaugnay ng imbestigasyon sa paghiwalay ng bagon mula sa tren ng MRT

Manila, Philippines – Ipinapaubaya na ng Department of Transportation sa National Bureau of Investigation ang paglalabas ng pahayag hinggil sa ginagawa nilang imbestigasyon kaugnay ng nangyaring pagkakatanggal o paghiwalay ng bagon ng MRT habang ito ay umaandar nuong isang linggo.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez hawak na ng NBI ang kaso kaya’t sila na ang may discretion ukol ditto.

Kahapon nakipagpulong ang pamunuan ng DOTR at MRT sa NBI na pinamunuan ni Special Action Unit Chief Atty. Joel Tovera.


Nangako naman ang DOTr sa NBI na makikipagtulungan sa ikinakasa nilang imbestigasyon.

Matatandaang kamakailan muli nanamang nag-trending ang MRT makaraang humiwalay ang bagon nito sa isa pang bagon habang umaandar.

Paliwanag ng DOTr sinasabutahe sila dahil nawawala ang Messma Card o mas kilala sa tawag na Black Box ng Light Rail Vehicle.

Umani ito ng sandamakmak na negatibong kumento mula sa mga netizens at mga parokyano ng MRT.

Facebook Comments