DOTr, nilinaw na not for sale ang MRT-3

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi ibinebenta ang Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3.

Reaksyon ito ng DOTr sa lumabas na balita na for sale ang MRT-3.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang plano ng ahensya ay ipasa ang operations at maintenance ng MRT-3 sa mga kwalipikadong private sector operators.


Sa pamamagitan aniya nito ay mababawasan ang operational cost at mas mapapahusay ang operasyon nito at higit na maserbisyuhan ang publiko.

Giit ng kalihim, mananatili pa rin sa gobyerno ang mga asset ng rail line nang sa gayon ay mapapanatiling abot kaya ng mga commuters ang pamasahe.

Ganito aniya ang ginamit na scheme sa LRT-1 kung saan napahusay ang serbisyo habang nanatiling mababa ang pamasahe.

Facebook Comments