Rocket debris, natagpuan sa karagatan ng Calintaan, Occidental Mindoro

Muling nakarekober ng “unknown metallic debris” ang mga residente sa karagatan ng Brgy. Poblacion, Calintaan, Occidental Mindoro.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nag-report sa pulisya ang residenteng si Roderick Fabie matapos nitong mamataan ang lumulutang sa karagatan na metallic debris na hinihinalang mula sa rocket.

Agad namang nagtungo sa lugar ang mga awtoridad para ikumpirma ang report ng mga mangingisda.


Narekober ng pulisya ang metallic debris na may puting pintura, curve shaped, at tinatayang anim na metro ang haba.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon dito ng mga awtoridad.

Facebook Comments