Walang hulihan na mangyayari sa mga motoristang wala pang Radio-Frequency Identification (RFID) simula Decemebr 2, 2020.
Ito ngayon ang ginawang paglilinaw ng Department of Transportation o DOTr ukol sa mga balitang na huhulihin ang sasakyan na walang RFID.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran, mananatili ang stickering lane sa mga toll ways o express ways para doon dumaan ang sasakayan na wala pang RFID.
Meron din aniyang installation site bago mag-toll road sa pwedeng magpa-install ng RFID.
Kaya naman iginiit niya na wala dapat ipag-panic ang mga motorista dahil magpapatuloy pa rin pag-install ng RFID.
Aniya, ang December 1 ay simula lang para maipatupad ang cashless transaction sa lahat ng tollways.
Facebook Comments