Patuloy ang ginagawang paalala ng Department of Transportation (DOTr) sa mga komyuter na ang anumang uri ng kabastusan at karahasan sa loob ng mga pampublikong sasakyan ay hindi maari.
Ito ay kasunod pa rin ng “Safe Spaces Act,” na layong mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero laban sa karasahan o kapahamakan laban sa mapagsamantalang gawain sa loob ng pampublikong transportasyon.
Patuloy naman ang pag-uudyok ng ahensya sa mga pasahero na i-report o isumbong ang ganitong mga gawain sa mga awtoridad, istasyon, terminal personnel o mga kapulisan sa lugar.
Paalala ng ahensya ang “Oplan Tuldukan ang Karahasan” at Violence Against Women (VAW) katuwang din ang iba pang ahensya.
Facebook Comments