DALAWANG SECURITY GUARD SA BUGALLON PANGASINAN NAGBARILAN ISA PATAY ISA SUGATAN

Patay ang isang security guard habang kasalukuyang inoobserbahan ang isa pa matapos silang nagbarilan nang mag away sa bayan ng Bugallon Kilala ang biktima na si Nelson Loeiente habang ang suspek ay nakilalang si Jeffrey Camo parehong security guard ng isang power plant doon.
Ayon sa imbestigasyon, nagtalo ang dalawa dahil sa hindi nagkaintindihan habang nag uusap sa kanilang radio set.
Dito na nagpang-abot ang dalawa kung saay ay naglabas ng Caliber 38 ang suspek at agad na binaril ang biktima habang gumanti naman ito at binaril din ang suspek gsmit ang isang 12-gauge shotgun.

Naisugod naman sa pagamutan ang mga ito subalit idineklarang dead on arrival ang suspek habang patuloy na inoobserbahan ang biktima.| ifmnews
Facebook Comments