DOTr, patuloy pang inaalam ang naging sanhi ng sunog sa ilalim ng upuan ng isang bagon ng MRT

Manila, Philippines – Inaalam parin ng Department of Transportation ang sanhi ng sunog sa ilalim ng upuan ng isang bagon ng MRT 3.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez sa oras na matukoy nila ang sanhi ng sunog ay agad silang magpapalabas ng isang official statement.

Sa ngayon, iniinspeksyon pa ng mga technician ang nasabing bagon matapos itong maibalik kanina sa kanilang depot.


Matatandaang kaninang alas sais ng umaga pinababa ang mga pasahero ng mrt 3 sa Santolan Avenue Station dahil sa maliit na sunog sa ilalim ng passenger seat sa isang bagon.

Agad naapula ang sunog at maswerteng walang nasaktan sa nasabing insidente.

Facebook Comments