Kinumpirma ni acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na nagpapatuloy pa ang negosasyon nila sa property owners sa Corinthian Gardens sa Quezon City na tatamaan ng Metro Manila Subway Project (MMSP).

Ayon kay Lopez, sa ngayon, 20 property owners pa lamang ang tumatanggap ng kanilang alok na kompensasyon.

Ito ay mula sa 33 properties na tatamaan ng Metro Manila Subway Project

₱820.5-million pesos na kompensasyon ang alok ng Department of Transportation (DOTr) sa mga apektadong property owners sa Corinthian Gardens.

Facebook Comments