Pinagsabihan ng Department of Transportation ang AF Payments, Inc. o AFPI na unahin ang kapakanan ng riding public bago ang pansariling interes.
Ginawa ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pahayag bilang tugon sa katwiran ng AFPI na wala silang kikitain kung tatanggalin nila ang P80.00 charge sa pagbili ng beep card ngayong panahon ng pandemya.
Para kay Tugade, hindi ito usapin ng kikitain ng service provider, bagkus, ito ay usapin ng pagmamalasakit sa commuter.
Ani Tugade, malaking bagay na ang P80.00 para sa mga commuter at ordinaryong manggagawa na pinaka-tinamaan ang kabuhayan dahil sa pandemya.
Nauna nang nilinaw ni Transportation Usec. Goddes Hope Libiran na hindi sila ang pumili ng paggamit ng beep card sa EDSA Busway.
Mismong ang operator ng EDSA Busway ang namili kung anong Automatic Fare Collection System (AFCS) ang kanilang gagamitin sa operasyon.