iFM Laoag City – Bumisita si Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade sa Laoag City International Airport sa Ilocos Norte upang pangungunahan nito ang inauguration ng bagong Civil Aviation Authority (CAAP) building ng nasabing paliparan.
Ang bagong CAAP building ay kompleto sa mga kagamitan na angkop sa mga pangangailangan ng paliparan at mga empleyado nito.
Maliban dito, Iprepresenta din ni Tugade ang dalawampu’t tatlong (23) modernized jeep na may rota ng mga bayan ng Laoag -Bacarra-Pasuquin sa Ilocos Norte. Ang mga modernized jeep ay ipinagkakaloob sa mga dating jeepney drivers upang mapabuti pa ang kanilang panghanap-buhay at magkaroon ng makabagong transportasyon para sa mabilis at ligtas na biyahe.
Ang mga recipients ay kabilang sa iisang kooperatiba o drivers’ association sa mga nabanggit na bayan.
Binisita rin ng kalihim ang Currimao Ports upang mapaayos din ito upang mabuksan ito na pormal para sa mga Cruise Vessels sa Pilipinas at internasyonal.
Laking tuwa naman ni Secretary Tugade sa mga Ilocano sa mainit na pagtanggap hindi lamang sa kanya kundi pati narin sa mga programa na sinusulong ng DOTr. Nagpapasalamat din si Laoag City Michael Marcos Keon dahil napili ang lungsod sa mga recipients ng programa.
Ayun pa sa kalihim na kailangan na maayos ang ating transportasyon sa daan man, pandagat, o panghimpapawid upang magkaroon ng kompyansa ang ating mga kababayan at bisita na gamitin ang ating mga pampublikong sasakyan. #Bernard Ver, RMN News