
Nagbitiw bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) si Sec. Jaime Bautista dahil sa kaniyang kalusugan o health reasons.
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Bersamin ngayong umaga.
Kasunod nito, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Vivencio “Vince” Bringas Dizon bilang bagong kalihim ng DOTr.
Ayon kay Bersamin, magiging epektibo ang pagiging kalihim ni Dizon simula sa Pebrero 21, 2025.
Inatasan na Office of the President si Dizon na agad na simulan ang transition sa DOTr katuwang ang team ni outgoing Secretary Bautista.
Facebook Comments