Suplay ng local roses sa Dangwa, nagkukulang na

Aminado ang ilang mga nagbebenta ng bulaklak sa Dangwa Market na nagkukulang na sila ng suplay ng local roses.

Sa naging pahayag ni Millet Batnag, isa sa mga may pwesto ng tindahan ng bulaklak, pawang mga imported roses na ang kanilang kinukuha kahit pa may kataasan ang halaga nito.

Bukod dito, halos kakaunti na rin ang suplay ng bulaklak ang kanilang nakukuha bunsod na rin ng kumpetisyon.


Bagama’t malakas ang bentahan, hindi na muna tumatanggap ang ilan sa kanila ng order via online dahil sa matrabaho at hindi na kakayanin ng kanilang tauhan.

Ang mga mamimili naman ng bulaklak ay binalaan din nila mula sa mga scammer na nag-aalok ng bulaklak gamit ang social media pero wala namang pwesto o itinitinda sa Dangwa.

Facebook Comments