DOTr sec, titiyakin na walang korapsyon sa build build project

Manila, Philippines – Titiyakin ni DOTr Secretary Arthur Tugade na hindi mababahiran ng katiwalian ang hanay ng transportasyon kasabay ng build build project ng Duterte administration.

Sa nagpapatuloy na Dutertenomics 2.0 Forum 2019 na dinaluhan ng matataas na opisyal ng gobyerno iniutos ni Pangulong Rodrigo Duderte na dapat walang korapsyon sa kanyang proyekto.

Ipinahayag naman ni Tugade ang pagsuporta sa build build project na magreresulta aniya sa matibay na imprastraktura.


Ayon kay Tugade ipapagpatuloy niya ang marching order sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing kumportable ang pamumuhay ng mga Pilipino.

Samantala kabilang sa dumalo sa nasabing pagpupulong ay sina PCOO Secretary Martin Andanar, Budget Secretary Benjamin Diokno, Transportation Secretary Arthur Tugade, NEDA Secretary Ernesto Pernia, Public Works Secretary Mark Villar, Trade Secretary Ramon Lopez and Finance Assistant Secretary Tony Lambino.

Facebook Comments