NBI, pumasok na rin sa imbestigasyon kaugnay ng Jolo twin bombings

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tumutulong na rin ang NBI sa imbestigasyon kaugnay ng pambobomba sa Jolo Cathedral sa Sulu.

Ayon kay Guevarra, partikular na pinadala nila ang mga operatiba ng NBI mula sa Zamboanga City.

Ilan ding tauhan ng NBI ang tumutulong na sa manhunt operation laban sa mga nasa likod ng terorismo.


Ayon kay Guevarra, maitururing na mass murder ang pangyayari at paglapastangan aniya ito sa sagradong lugar lalo na at kasalukuyang ginaganap ang misa nang gawin ang pagpapasabog.

Facebook Comments