DOTr Secretary Vince Dizon, tumanggi munang magsalita sa planong rehabilitation ng EDSA busway

Tumanggi munang magkomento si DOTr Secretary Vince Dizon kaugnay sa planong rehabilitation ng EDSA busway carousel.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Dizon na nag-uusap pa umano ang lahat ng ahensya upang plantsahin ang mga plano.

Gayunman, kanyang binigyang-diin na priority pa rin ng rehabilitation project ng mga public transport.

Aniya, kabilang sa mga pinagaaralan ay ang mga hakbang na mas kapaki-pakinabang para sa mga mananakay.

Nilinaw rin ng DOTr chief na hindi mawawala o hindi aalisin ang EDSA busway dahil malaki ang pakinabang nito sa mga public commuters.

Mahigpit rin aniyang paiiralin ang pagiging eksklusibo ng EDSA busway dahil mas marami umanong publiko ang gumagamit ng EDSA kumpara sa mga pribadong sasakyan.

Facebook Comments