Mga LGU na walang pambili ng NFA rice, papayagang mangutang sa FTI

Papayagang mangutang sa Food Terminal Incorporated (FTI) ang mga lokal na pamahalaan na walang pondo pambili ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa ilalim ng food security emergency.

Ito ang solusyon ng Department of Agriculture (DA) para mabilis na maipalabas ng NFA ang bigas.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, bibigyan hanggang 30 araw ang mga LGU para makabayad sa uutangin nilang suplay ng NFA rice sa FTI.

Gayunpaman, wala pang binanggit ang DA kung gaano karaming bigas ang pwedeng utangin at kung may interes na ipapataw.

Matatandaang sinabi ng NFA na bagama’t nasa 70 lungsod na ang nagpahayag ng interes, ay matumal pa rin ang bentahan ng bigas sa mga LGU dahil sa kulang na pondo ng mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments