Pormal nang lumagda kahapon si Department of Transportation o DOTr Sec. Jaime Bautista ng kontrata sa Shadow Operator Consultant na Ricardo Rail Australia Party Limited para sa ganap na pagtatayo ng Metro Rail Transit o MRT Line 4 na isinagawa ang contract signing sa Mandaluyong City.
Sakaling matapos ang 13 kilometrong proyekto, aarangkada ang MRT-4 na babagtas mula Ortigas Avenue hanggang Taytay, Rizal at magiging fully operational sa taong 2028.
Sumaksi rin sa contract signing sina Australian Ambassador to the Philippines Dr. Moya Collet gayundin ng mga opisyal mula sa Asian Development Bank o ADB.
Kumpiyansa si Bautista na sa pamamagitan nito ay tiyak na maisasakatuparan na ang pangarap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bigyan ng isang ligtas, maaluwal at maginhawang biyahe ang mga Pilipino.