Kaligtasan ng mga sasakyan at kondisyon ng mga driver ngayon Semana Santa, tiniyak ng isang transport group

Handang-handa na ang isang transport group na bigyan ng sapat na nilang ng mga sasakyan ang mga pasahero na bibiyahe ngayong Semana Santa.

Ayon sa Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), sumalang na ang kanilang mga driver sa pagsusuri at tiyak ang kaayusan ng kondisyon ng mga ito.

Maging ang mga sasakyan ay sinuri na rin para matiyak na walang magiging aberya sa kalsada.


Noong pang nakaraang linggo ay inihanda na ng LTOP ang kanilang grupo upang magbigay ng serbisyo sa dagsa ng mga pasahero.

Ang mga miyembro nila na ay agad nagpulong upang maging kaisa ng Department of Transportation sa pagbibigay ng ligtas na paglalakbay ng mga uuwi ng probinsya at babalik ng Metro Manila.

Facebook Comments