Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na payagang pumasada ang mga pampasaherong jeepney sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) depende sa demand sa pampublikong transportasyon.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Richmund De Leon, maaaring pahintulutan ang mga jeep na bumiyahe nang maaga mula sa itinakdang schedule nito sa June 22 sakaling magkulang ang modes of transport.
Para kay Transportation Spokesperson Goddes Hope Libiran, importante pa rin ang health at public safety.
Nabatid na hinati ng DOTr sa dalawang phase ang gradual resumption ng public transportation.
First Phase (June 1-21) – MRT, LRT, PNR, Bus Augmentation, Taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), Shuttle Services, Point-to-Point Buses, at Bicycles.
Second Phase (June 22-30) – Jeepneys, Public Utility Buses, Modern PUVs, UV Express.