DOT’r, tiniyak na tutulungan ng pamunuan ng MRT-3 ang bayarin sa hospital ng dalagang naputulan ng kamay

231

Manila, Philippines – Tiniyak ni DOT’r Undersecretary Dr. Cezar Chavez na tutulungan ng pamunuan ng metro rail transit-3, sa bayarin hospital ng babaing pasahero na naputulan ng kanan kamay, matapos ang aksidenteng mahulog sa pagitan ng dalawang bagon ng mrt sa Ayala station.

Ayon kay Chavez, nakausap na nito ang ama ng biktima na Angeline Fernando 24 anyos na nasa online business.

Sinabi pa ni Chavez, naibalik na rin kaninang madaling araw, ang kamay at naayos na rin kahit ang buto, ugat at nerve sa braso ni Angeline sa makati medical center.

Inoobserbahan ngayon ng mga doktor ang “recovery” nang ibinalik na braso ni Fernando na tatagal hanggang Biyernes.

Sinasabing, nahilo si Fernando kaya ito nahulog sa riles ng MRT.

Napag-alaman sa pamilya ni Angeline na ito ay solong anak na breadwinner ng kanyang amat-ina.

Facebook Comments