Mga pulis na itinalagang magbantay para ASEAN Summit, unti-unti nang ipu-pull out

19

Manila, Philippines – Paunti-unti nang pinupull out ng PNP ang kanilang mga tauhang itinalagang magbantay sa ASEAN Summit.

Sinabi ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa habang umaalis ng bansa ang mga VIPs ng ASEAN bumababa na rin ang threat level kaya binabawasan na rin nila ang mga nakabantay na pulis.

Pauuwiin na anya nila ang mga dinagdag na pulis kahapon mula CALABARZON na haharap sana sa inasahan nilang malaking bulto ng mga raliyista.

Hahayaan naman daw ni Dela Rosa Na mamasyal muna sa Maynila ang mga pulis na hinugot nila mula sa malalaking probinsya bago pauwiin.

Bibigyan din daw ng pagkilala ang ilang natatanging pulis na nagtrabaho ngayong ASEAN Summit.

Facebook Comments