Nagresign na sa kanyang tungkulin si DOTr Undersecretary Cesar Chavez. Pangunahing dahilan ng kanyang pagbibitiw ay ang kasalukuyang masalimoot na sitwasyong bumabalot sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3).
“I hope the President understands that in the light of recent events involving the MRT3 System, simple sense of delicadeza which I adhered to throughout my professional life gives me no choice but to resign,” ayon pa sa pahayag ni Chavez.
Ang tubong Bikol na si Chavez ay magugunitang nakapanayam pa ni RadyoMaN Grace Inocentes nang pumunta ito sa Naga City kung saan positibo niyang inihayag ang mabuting plano para sa ikauunlad ng railway system sa bansa, partikular dito sa Bicol region.
Marami ang nabigla sa desisyong ito ni Chavez. Naging headliner ito sa RMN Naga DWNX at kalat na rin ito sa social media.
“Wow! – i am so proud of Sec Chavez,” ani ni Jun Papa sa fb post ni RadyoMaN Grace Inocentes na pumitik din ng linyang “Bikolanong tunay” si Chaves.
“Saludo ako sa yo Sec. Oragon talaga,” sabi naman ni Edison Balatan.
“Dae na kinaya” sabi naman ni Nicky Motos Jr., na nagustuhan naman ni Jun Papa, kasabay ng kanyang hahaha…
“Tama yan ta kaysa kaysa magadan siya sa stress,” hirit naman ni Bernardino Artana Bayaban Lpt.
” Iyan ang may dignidad na tao, i salute you sir bravo 👏👏👏👏👏 god bless you more sir! – sabi naman ni Swarovski Pena.
Dagdag pa ni Larry Leeong
“OMG!” ang madamdaming expression naman ni Mam Edna Tejada.
Marami pang komentaryo ang inyong matutunghayan, just click sa fb ni RadyoMaN Grace Inocentes.
Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Grace Inocentes, Tatak RMN!
Manage