Manila, Philippines – Isasampa na ngayong araw ng Public Attorney’s Office ang reklamong double murder laban sa dalawang police Caloocan na sina Police Officers 1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita.
Ito’y matapos lumabas sa forensic evidence analysis and criminal event reconstruction of gunshot wounds ng PAO na sinadyang patayin si Carl Angelo Arnaiz na konektado sa pagkamatay rin ni Reynaldo de Guzman.
Ayon kay PAO Dr. Erwin Erfe, pinalakas pa ng testimonya ng kanilang testigo ang forensic evidence na nakakita ng pagpatay kay Arnaiz.
Naniwala naman si PAO Chief Persida Acosta may iba pang suspek sa pagpatay kina Arnaiz at de Guzman.
Kumbinsido rin ang PAO na magkaugnay ang pagpatay kina Arnaiz at de Guzman.
Kahapon ay nagpasabi ang taxi driver na si Tomas Bagcal ng kagustuhan niyang lumapit sa PAO.
Tugon ni Acosta, handa nilang tanggapin ang testimonya ni Bagcal basta katotohanan lang ang sasabihin nito.