Pagkakabasura ng isa pang reklamo laban kay Chief Justice Sereno, tanggap ng VACC

Manila, Philippines – Tanggap ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang pagbasura ng kanilang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Sa botong 28-yes at 5-no, ibinasura ang impeachment complaint laban kay Sereno na inihain ng VACC at ng Vanguard of the Philippine Constitution.
Ayon kay VACC founding Chairman Dante Jimenez, nalulungkot siya dahil kulang ito sa required na “form”.
Aniya, umaasa na lamang sila na uusad ang impeachment complaint na isinampa ni Atty. Larry Gadon na nakitaan ng sufficient in form and substance.
Nilinaw naman ng VACC na walang kinalaman ang pulitika sa kanilang inihaing reklamo kay Sereno.

Facebook Comments