Double variant na tumama sa India, mapanganib din ang epekto maging sa mga bata base sa mga eksperto

Inihayag ni Vaccine Expert Panel Dr. Nina Gloriani na kahit mga bata ay tinatamaan ng severe case ng COVID-19 bilang epekto ng double variant na nananalasa sa kasalukuyan sa India.

Ayon kay Dr. Gloriani, base na rin aniya sa inilabas na impormasyon ng mga eksperto sa India, ibang klase ang nasabing variant kung ikukumpara sa iba tulad ng nakita sa United Kingdom at South Africa kaya’t hindi aniya patas na sabihing malala pa raw ang Pilipinas kaysa sa India.

Paliwanag ni Dr. Gloriani, kung mortality rate ang pag-uusapan ay napakababa naman ng naitatala sa bansa.


Dagdag pa nito, kung may nakita man aniyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 nitong nakaraang Marso ay dahil na rin sa pagre-relax ng ilan nating mga kababayan at pagtama ng ibang variant pero hindi ang uri ng variant na tumama sa India.

Facebook Comments