Downloadable mobile version ng national ID, posibleng ilabas ng PSA bago matapos ang 2022 o sa unang bahagi ng 2023

Nasa halos 17 million national ID cards ang nai-deliver na.

Ito ay kinumpirma ni Philippine Statistics Authority (PSA) Officer-in-Charge (OIC) Deputy National Statistician Fred Sollesta na mula ito sa 21.6 million printed national IDs.

Sinabi pa ni Sollesta na posibleng sa katapusan 2022 o sa unang bahagi ng 2023 ay magpapalabas sila ng downloadable mobile version ng national ID para magamit na ng publiko.


Masyado aniya kasi mabilis ang registration na hindi naman natapatan ng backend process dahil sa ilang konsiderasyon gaya ng mahigpit na requirements sa ilalim ng procurement process.

Facebook Comments