Kinontra ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang pahayag ng OCTA Research Team na isa sila sa mga siyudad na ‘hotspot of serious concern’ ng COVID-19.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kasalukuyang nasa ‘downtrend’ na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod kumpara noong Oktubre kung saan nakakapagtala sila ng 57 na kaso kada araw.
Sa ngayon, hindi lalagpas sa 20 katao ang naitatala ng lungsod na nagpopositibo sa nasabing sakit.
Giit ni Magalong, bunga ito ng patuloy nilang paghihigpit sa mga residente pati na rin ang pagsasagawa ng border control sa mga karatig bayan at probinsya.
Facebook Comments