Hindi dapat magpakampante ang mga residente sa loob ng NCR plus bubble kahit nagkakaroon ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang downward trend sa NCR+ ay nananatiling ‘unstable.’
Ang mga naoobserbahang case patterns ay hindi pa rin tiyak.
Kapag muling nabalewala ang health protocols, posibleng tumaas muli ang mga kaso.
Sa ngayon, ang reproduction number sa NCR ay nasa 0.89.
Umaasa ang OCTA Research na mapapanatili ang mga datos sa pamamagitan ng mahigpit na COVID-19 restrictions.
Inirekomenda ng OCTA na palawigin ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR plus para magpatuloy lamang ang downward trend ng COVID-19 cases.
Facebook Comments