Downward trend ng COVID-19 cases sa bansa, posibleng maranasan na sa susunod na buwan

Naniniwala si OCTA Research Team Fellow Dr. Butch Ong na posibleng magsimula na ang downward trend ng COVID-19 cases sa bansa pagsapit ng Marso.

Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Ong na umaasa siyang pagdating ng katapusan ng Pebrero hanggang Marso ay may pagbabago na at pagbaba sa mga naiitalang kaso kada araw.

Kasunod nito, kapag mas mababa na aniya sa 1,500 ang COVID-19 cases na nadadagdag kada araw ay pwede nang luwagan ang mga protocols na umiiral at unti-unti nang makabangon ang ating ekonomiya.


Una nang sinabi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na posibleng luwagan na sa susunod na buwan ang quarantine restrictions sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments