Downward trend ng COVID-19 cases sa Metro Manila, nawala na – OCTA Research

Tuluyan nang nawala ang downward trend ng COVID-19 cases sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang nakikita nila ngayon ay ‘unstable’ trend ng kaso.

Nagsisimula muling tumaas ang kaso sa ilang local government units (LGUs) sa Metro Manila, Cavite, Laguna, at Rizal.


Ang mga LGUs tulad ng Malabon at Manila ay nananatiling nasa “good numbers.”

Ang kabiguan ng publiko na sumunod sa health protocols ay isa sa dahilan ng pagtaas muli ng kaso.

Facebook Comments