DPAO Chief ng 5ID, May Paglilinaw sa mga Kumakalat na Impormasyon Kaugnay sa Engkwentro ng Militar at NPA!

Cauayan City, Isabela- Nilinaw ni Army Major Noriel Tayaban, pinuno ng Divisions Public Affairs Office (DPAO) ng 5th ID, Philippine Army na haka-haka lamang ang mga kumakalat na impormasyon na mayroong nangyaring engkwentro kahapon sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) sa Brgy. Cadu at Nanaguan sa Lungsod ng Ilagan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Major Tayaban, nanawagan ito sa kanayunan na itigil ang pagpapakalat ng maling impormasyon dahil mayroon aniya itong hindi magandang impak sa mamamayan.

Posible din aniya na isa itong taktika ng mga rebeldeng grupo upang takutin ang mamamayan para hindi sumuporta sa kasundaluhan.


Iginiit rin ni Maj Tayaban na hindi aalis ang kasundaluhan sa lugar at patuloy ang kanilang pagbabantay upang matiyak ang seguridad ng mamamayan at mapigilan ang anumang masamang binabalak ng mga ito lalo na’t nalalapit ang kanilang anibersaryo.

Hinikayat naman nito ang mga residente na huwag matakot lumapit o magsumbong sa kasundaluhan sakaling mayroong presensya ng NPA sa lugar.

Facebook Comments