DPWH, agad na kumilos sa naging kautusan ni Pangulong Marcos

Agad na tumalima ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kautusan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa pagkukumpini ng mga nasirang imprastraktura matapos ang nangyaring lindol sa Davao Occidental.

Matatandaan na nagpatawag ng emergency video conference mula sa United States of America (USA) si Pangulong Marcos upang malaman ang sitwasyon ng lindol sa Mindanao.

Isa sa naging utos ng pangulo sa DPWH ang agarang pagkumpuni ng mga nasirang kalsada bago mag-pasko.


Nais kasi ni Pangulong Marcos na maging maayos at mapabilis ang paghatid ng tulong sa mga pamilyang nakatira sa mga lugar na tinamaan ng lindol sa Mindanao.

Unang sinabi ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na may mga napaulat na nasirang tulay pero lahat naman ay nadaraanan kung saan may mga gusali na nagkaroon ng pinsala.

Kaya’t dahil dito, hindi muna ipapagamit ang mga gusali dahil kailangang dumaan sa inspeksyon lalo na ang mga paaralan na nakitaan ng bitak.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DPWH sa mga Local Government Units (LGUs) para sa assesment ng iba pang nagkaroon ng damages dulot ng lindol.

Facebook Comments