Karagdagang P3-B pondo para sa AICS Program, inaprobahan na ng DBM

Aprobado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng dagdag na P3-B pondo para sa Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman na layunin ng pag-aproba ay upang patuloy na matulungan ang indibidwal at mga pamilyang nangangailangan.

Batay na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasin ang social protection measures para sa mahihirap na sektor .


Ang AICS ay isa lamang sa mahahalagang serbisyo ng DSWD na nagbibigay ng medical assistance, burial, transportation, education, food, at financial assistance para sa iba pang serbisyo at pangangailangan ng isang indibidwal o pamilya.

Facebook Comments