DPWH budget, dapat itaas para makalikha ng mas maraming trabaho

Sa budget deliberations sa plenaryo ng Kamara ay inihirit ni Basilan Rep. Mujiv Hataman na taasan ang 2023 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Layunin ng hiling ni Hatamaan na makalikha ng mas maraming trabaho lalo na sa mga liblib na lugar sa pamamagitan ng mga proyektong pang-imprastraktura ng DPWH.

Paliwanag ni Hataman, dahil sa pandemya ay tumaas ang antas ng kahirapan sa bansa at malaking tulong sa pagtugon dito ang trabahong maibibigay ng mga infrastructure projects ng DPWH sa mga distrito, sa munisipyo at sa mga probinsya.


₱717.31 billion ang inilaang pondo sa DPWH para sa susunod na taon na mas mababa ng 8.7% kumpara sa ₱785.24 billion na budget nito ngayong taon.

Giit ni Hatamaan, dahil sa ₱64.8 billion na tinapyas sa pondo ng DPWH ay malaking trabaho rin ang nabawas sa ating mga kababayan.

Facebook Comments