IRR para sa Judiciary Marshals Act, sinimulan nang buuin

62

Binubuo na ng Korte Suprema ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Judiciary Marshals Act.

Sinabi ni Court Administrator Raul Villanueva na naglaan rin ang Supreme Court ng inisyal na P50 million para sa pagpapatupad ng batas.

Posible aniyang sa unang quarter ng susunod na taon ay makapag-appoint na ng chief marshal at ng ilan pang pangunahing tauhan ng judiciary marshal.


Sinabi ni Villanueva na kailangan ng judiciary marshals para mapigilan at maresolba ang mga krimen laban sa mahistrado, hukom, court employees at court properties.

Ang judiciary marshals ay magiging under ng Office of the Court Administrator.

Facebook Comments